1 Reblog

15 hours ago

BIGLAAN

Minsan kung sino pa yung mga taong biglaan yung dating sa buhay mo, sila pa yung may pinakamalaking impact. Sila pa yung pinakamakakapagpasaya sa’yo. Kahit hindi sigurado yung kinabukasan niyong dalawa, kahit medyo komplikado kayo ngayon, kahit magkaibigan lang kayo kahapon. Unti-unti, dahandahang nahuhulog. Tapos BIGLAAN.

Bigla kang dumating ng hindi inaasahan, sana hindi mo din ako biglaang iwanan. 

1 Reblog

7 months ago

MGA TANONG (SIKLO NG PAGIBIG)

Ang buhay ay napupuno ng tanong. Napakaraming kasiguraduhan at katanungan na hinahanapan natin ng kasagutan. Mga bagay na hinahanapan natin ng rason at kahalagahaan.

STRANGERS=STALKER

(Unang stage ng pagibig. Mga pasimpleng titig at mga nakaw na tingin. Mga hampas at kilig.)

Kilala niya kaya ako? Nakikita rin niya kaya ako? Alam niya kaya yung pangalan ko? Alam niya kayang araw araw ko siyang tinitingnan? Alam niya kayang lagi ko siyang tinititigan? Napapangiti din kaya siya pag nahuhuli niya kong nakatitig sakanya? Minsan nakikita ko siyang nakatingin sakin, ako ba yung tinitignan niya o yung katabi ko? Kinikilig din kaya siya? Sinisilip din niya kaya yung profile ko sa Facebook? Hinihintay din niya kaya yung Friendrequest ko? Gusto rin niya bang makuha yung number ko?

FRIENDS=ASDFGHJKL ACCEPTED YOUR FRIEND REQUEST

(Stage ng pag-ibig kung saan laging may isang kaibigan na bigla nalang mahuhulog at hindi mapipigilan  yung nararamadaman.)

Magkaibigan na kami, may kasunod pa ba? O hanggang dito nalang ba talaga? Hindi ba natin pwedeng subukan? Aamin na kaya ako? Ano kayang magiging reaksyon niya? Matutuwa kaya siya? Malulungkot? Magugulat? Maglulupasay? Tatalon? Magagalit kaya siya? May sense ba to? Titiisin ko nalang ba yung nararamdaman ko? Hanggang kelan ko kaya to kayang pigilan? Kailangan ko na bang makuntento kung anong meron kami ngayon? Hanggang magkaibigan lang ba? Hindi ba niya ako pwedeng mahalin? Di ba ako pwedeng umamin? Marami bang magbabago? Maisusugal ko ba kung anong meron kami ngayon para lang masundan ko yung puso ko?

IT’S COMPLICATED

(Konting tulak nalang)

Iba na yata tong nararamdaman ko, nararamdaman din niya kaya to? Kaya ko pa bang tiisin? Kaya ko pang pigilan? Makakapaghintay ba ako? Worth it kaya to sa dulo?

IN A RELATIONSHIP

(This is it. Nagexchange na ng Iloveyous, Iloveyoutoos, Iloveyoumores at Imissyous, ng mga pangako Mga hindi ko kayang mabuhay nang wala ka. Mga mahal mo ko, mahal kita. Ikaw yung mundo ko, kelan pa ako nagging planeta.)

Mahal ko siya, mahal niya ako. Hanggang kelan? Siya ba talaga para sakin? Siya na kaya yung makakasama ko habangbuhay? Mapapakasalan sa lahat ng simbahan at magrereception sa lahat ng restaurant? Ano kayang magiging itsura ng mga anak namin? Siya kaya yung makakasama ko sa bawat Christmas Party ng Family? Makakasama sa bawat Birthday party? Makakatabi sa bawat pagtulog, at katabi pa rin sa paggising? siya kaya yung makakasama ko bawat boga at paputok tuwing Bagong taon? 10 years from now ganito pa rin ba kami? 10? 11? 12? 13? Forever and ever?

 IN A RELATIONSHIP. *and it’s complicated*

(Stage ng pag-ibig, kung saan alam nating wala na, pero pinagpipilitan pa.)

Ang tagal na nung huli siyang tumawag. Ang tagal na nung huli kaming nagkita. Stage kung saan unti unti nang nawawalan ng oras at panahon para sa isa’t isa, nagpapalitan ng mga EXCUSES para pagtakpan yung mga pagkakamali at mga hindi masisipot na lakad, mga di nasasagot na tawag. Dito uni unting lumalayo yung loob sa isa’t isa. 

 Napano na kaya siya? Sumuko na ba siya? Ayaw na ba niya? Iiwan na niya ba ako? Kaya niya ba? Kaya ko ba nang wala siya? Baka naman kelangan lang niyang magpahinga? Mahal ba niya ako? Ako lang ba talaga? Meron pa ba akong pinaglalaban? Lumalaban din kaya siya? O ako nalang magisa? Itutuloy ko pa ba? O baka naman dapat itigil ko na? Sige pa? O tama na? Hihinto na ba? Eto na ba? Ilang ganito pa ba yung kelangan kong tiisin? Wala na ba talaga? 

RELATIONSHIP STATUS CHANGED FROM IN A RELATIONSHIP AND IT’S COMPLICATED TO SINGLE

(Stage kung saan may isang bibigay. May isang susuko. May isang titigil sa paglaban. May isang iniwan. May isang nangiwan. May nawalan nang gana. May umalis. May napagod, may bumitiw at may nagwalkout)

Tama ba yung desisiyon ko? Paano bukas? Bakit niya ako natitiis? Kamusta na kaya siya? Namimiss rin niya kaya ako? Makakamove on kaya ako sakanya? Kailan? Nakahanap na ba siya ng iba? Masaya kaya siya? Babalik pa ba siya? Bakit siya sumuko? Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkamali? Baby, hindi ba pwedeng subukan ulit? Wala na bang isa pang chance? Di ba ako pwedeng bumawi? 

STRANGERS AGAIN=DELETE/BLOCK AS FRIEND

(Bitter stage ng pag-ibig.)

Pano niya nakayang daandaanan ako na parang wala ako sa buhay niya? Pano niya natitiis na hindi ako nakakausap at hindi nakikita?  yung dating taong ka-text ko araw araw, nagg-GM nalang sakin ngayon at hindi na yung pangalan ko yung nakahashtag sa dulo. yung dating kasabay kong umuuwi, may kasabay nang iba. Pano niya nagagawang ngumiti? Tumawa? Papatamaan ko nalang siya ng status sa facebook. Para pagnakita tiningnan niya yung profile ko… Tinitingnan niya pa rin kaya yung profile ko? Kasi ako araw araw kong sinisilip yung profile niya, ang dami kong kinakatak sa bawat status ko, pero bakit siya parang hindi man apektado? Gusto ko siyang kausapin, hinahanap ko siya lagi sa chat list ko, pero lagi siyang invi. Yung dating account na alam ko yung password, hanggang silip nalang ako ngayon. Bakit parang ang dali lang para sakanyang makalimot? Ganon nalang? Ganon kabilis?

 Strangers again. Katulad nung una. Nung hindi pa kami magkakilala. Nung wala pa siyang halaga sa buhay ko. Nung masaya na akong nakikita siya sa malayo. Yung mga panahong dinadaandaanan ko nalang siya na parang walang nakikita. Yung magtetext tapos WHO YOU yung isasagot. Okaya sana hindi ko nalang siya nakilala.

Ang buhay napupuno ng mga tanong. Mga katanungan na hinahanap ng kasagutan. Pero minsan, alam naman natin yung sagot. Hindi nga lang yun yung gusto nating marinig, hindi lang yun yung inaasahan nating malaman.

(Source: andalimongumalyse)

10 Reblog

1 year ago

READ. RELATE. REBLOG.: FIRST LOVE NEVER DIES =)

jouelmarieluna:

insert-proper-url-here:

“At hindi man naging kami sa huli, siya pa din ang first love ko.” Sabi sa isang commercial ng Mcdo saliw sa kantang Huling El Bimbo ng Eraserheads.

Bakit nga kaya ganon? May mga tao at may mga bagay na sadya talagang mahirap kalimutan, kahit gaano na katagal. Kahit gaano na kadami yung mga…

LYSE! MAH FRIEND, DA BEST KA TALAGA!!! LABYU! :)

10 Reblog

1 year ago

FIRST LOVE NEVER DIES =)

“At hindi man naging kami sa huli, siya pa din ang first love ko.” Sabi sa isang commercial ng Mcdo saliw sa kantang Huling El Bimbo ng Eraserheads.

Bakit nga kaya ganon? May mga tao at may mga bagay na sadya talagang mahirap kalimutan, kahit gaano na katagal. Kahit gaano na kadami yung mga nangyari, kahit gaano kasaklap, kahit gaano kasakit, at kahit gaano kaluma yung storya na inaamag na eh, pilit pa ring sinasariwa sa mga isipan. Bakit kahit ilang love stories na din ang dumaan at lumipas, yung una pa rin yung binabalik balikan. Bakit yun pa din yung bida?

Bakit ang tagal-tagal maghilom nung sugat, bakit may mga gabi na parang mahapdi pa din sila, bakit may mga pagkakataon na kapag makikita mo siya e bumibilis pa din yung tibok ng puso mo? Bakit may mga pagkakataon na kahit ulit ulitin sa sarili mo na tapos na ang lahat, na masaya ka na, eh, hindi ka kumbisado. At kung may mga pagkakataon naman na naloloko mo yung sarili mo, kapag malapit mo na talagang masabi sa sarili mo, eh bigla naman siyang magtetext, okaya magpapakita, okaya ngingiti, okaya simpleng marinig mo lang yung dati niyong theme song ay babalik nanaman ulit yung nararamdaman mo.

“Love, anong napala ko sa love!? Eye bags, pimples, at broken heart!” Sabi nga ni Nicos don sa commercial ng Nestea. Eye bags, pimples, at broken heart lang ba talaga? Hindi ba kasama yung bumabang allowance dahil sa kakaload? Failing grades? Mga nabawas na kaibigan dahil nawalan ng oras para sakanila? Hindi ba kasama dito yung mga sleepless nights na minulto ka at binagabag ng mga alaala ninyong dalawa?

Past is past, sabi nga ng iba. Kailangan nalang tanggapin na may mga bagay talagang hindi na pwedeng ipilit, mga bagay na kahit gusto nating makuha ulit eh hindi na talaga pwede. Siguro totoo nga na hindi mo malalaman ang halaga ng isang bagay hanggang hindi mo nasusubukang mabuhay nang wala ito sa’yo.

Siguro tama rin na may mga bagay talaga na hindi na mabubura, dahil siguro hindi lapis yung pinangsulat, pero pati din naman lapis, kapag binura, nagmamarka pa din. Patunay na ang buhay ay nagbibigay ng pagkakataon para bumawi at itama ang mga mali.

May mga bagay na kahit itago mo, kahit paano mo pa ideny, kahit gaano mo pa pilitin na kalimutan e lagi lang talagang nandiyan. Mga bagay na hindi mawawala, mga nararamdaman na hindi na maglalaho. Mga sugat na hindi na maghihilom kahit gaano pa kadami yung band-aid na itatapal dito, at mga sugat na kahit gumaling eh, hindi pa rin mawawala ang peklat at marka.

First love never dies nga siguro, sa pagtakbo ng panahon, hanggang sa maging handa ka nang iburol at ilibing ito. Lagyan ng lapida, burdahan ng “RIP” (Rest in Peace) at “In loving memory of,” at hindi “BRB” (Be Right Back) diyan sa puso mo. Pero siguro kahit mamatay man yan eh, patuloy pa rin yang mambubulabog, magmumulto at magpaparamdam.

(Source: andalimongumalyse)

6 Reblog

1 year ago

ANG PAG-IBIG, BOW. =)

PAALALA: Ang sumusunod  na mga kataga ay kathang isip lamang. Ang mga pangalan, katangian at mga chorvanes na makikita mo ay hindi sinasadiya at nagkataon lamang.

                Ang pag-ibig, bow. Ang pag-ibig hindi ‘yan Dota na napaglalaruan. Hindi yan Plants vs. Zombies na kapag natapos mo na, eh uulitin mo lang ulit dahil lang alam mo na kung paano laruin. Hindi yan volleyball na kapag malapit na, sisigaw ka ng MINE tapos ipapasa mo lang sa iba. Hindi rin yan parang Football na sisipain mo muna palayo bago mo hahabulin. Hindi ‘yan Angry Birds na pakakawalan mo lang basta-basta dahil nasisiyahan ka. Mas lalo namang hindi ‘yan Vulcaseal para gawing panakip butas.

                Ang pag-ibig parang tubig, pinapaghirapan iigib pero sinasayang lang naman. Parang paborito mong libro, bakit mo pa  uulitin kung alam mo naman yung ending? Ang pag-ibig hindi yan cellphone na kahit kanino lang ipinapahiram, para ‘yang pirma na hindi dapat pinapalitan. Ang pag-ibig parang hulahoop, paikot-ikot lang tapos babagsak din, parang ilaw, on and off. Parang si Budoy, kasi special. Parang answer key kasi kasagutan sa lahat ng katanungan ko. Ang pag-ibig, dapat naka-padlock para laging secured. Parang tae na hindi dapat pinipigilan para hindi na masaktan. Para rin  ‘yang ihi na hindi rin dapat pigilan dahil mas lalo ka lang kikiligin. Parang antok na hindi kayang labanan.

                Ang pag-ibig, hindi yan link sa facebook na basta-basta lang nasi-share. Hindi ‘yan cassette na may playback, fast-forward, backward, next, previous, stop, play at pause. Para ‘yang road signs, minsan stop, minsan go, minsan pa nga, NO U-TURN, bawal nang bumalik. Ang pag-ibig parang bike, minsan kailangang magbreak kapag malapit nang masaktan. Ang pag-ibig parang bilbil, kahit anong tago mo, lilitaw at lilitaw pa rin. Parang Mathematics, minsan kahit mag-effort ka, madidisappoint ka rin sa dulo, babagsak ka rin.            

                Ang pag-ibig parang heroes, fairytales, prince charmings, kathang isip lang, kaya nga dapat hindi pinapanood sa mga bata, dahil maagang nabubukas yung isip nila sa happy endings na hindi naman talaga nage-exist. Ang pag-ibig parang tsinelas, walang kwenta kung mag-isa lang, dapat laging magkasama. Parang internet connection, kapag nawawala, bumabalik pa din.  Parang libag na kahit anong tanggal mo, babalik at babalik pa din. Parang plema na ayaw matanggal sa dibdib mo. Parang sipon na pabalik-balik kahit anong gamut mo. Ang pag-ibig hindi ‘yan white board marker, dapat permanent marker na hindi nabubura. Parang ruler na nagtuwid sa buhay na baluktot. Para ring ballpen, minsan nagloloko. Parang Mang Inasal na hahanap-hanapin mo. Parang NFA, kailangang pinipilahan. Para ‘yang paborito mong teleserye sa gabi na hinihintay at inaabangan. 

                Ang pag-ibig parang Math, it’s complicated, parang Jejemon na mahirap intindihin, search mo sa Google, hanapin mo sa dictionary, wala kang makikitang tumpak na definition na hinahanap mo. Base ito sa karanasan, damdamin, hypothalamus at pintig ng puso ng isang tao. Kung ako naman ang tatanungin mo kung ano ang pag-ibig, hindi ko din alam. Hindi, joke lang. =) Pag-ibig, yung lumipas na yung tatlo, apat, lima, sampung taon, mahal mo pa din, kahit alam mong hindi na siya babalik. 10, 11, 12, 13, 14, forever and ever sabi nga ni Basha saka ni Popoy sa One Mor Chane. ‘Yung kakayahang magpatawad at magbalikan ni Irene at Apollo sa kabila ng kasalanan, pagpapanggap at panloloko sa My Amnesia Girl. ‘Yung paghihintay ni Noah at Allie sa The Notebook.  ‘Yung paghahanap ni Allan kay Mia sa I Miss You Like Crazy. ‘Yung pagtiyaga ni May sa sakit para lang sa bestfriend niyang si Bogs sa Paano Na Kaya. Noong namatay nang magkasama si Romeo saka si Juliet. Nung tumanda nang magkasama si lola at lolo.

                Pag-ibig, Masaya daw umibig, di makatulog, di makakain, tigyawat sa ilong, pati na sa pisngi. ‘Yung pakiramdam na hindi mo ma-explain. ‘Yung iilaw yung cellphone mo, tapos mae-excite ka kasi akala mo siya na yung nag-text, tapos kapag hindi, madi-disappoint ka lang. ‘Yung maghapon kang maghihintay para lang maka-chat siya sa FB kasi alam mong dun lang kayo nagkakausap. ‘Yung imbang feeling na nararamdaman mo kapag binubusit siya sayo, saka yung mas imbang feeling na nararamdaman mo kapag binubusit na siya sa ibang tao. ‘Yung ibang pakiramdam kapag tinawag ka niya, yung parang bubuyog o kaya ipis o kaya paru-paro sa tiyan mo kapag palapit na siya. ‘Yung patagong kilig kapag nahuli mo siyang nakatitig sa’yo. ‘Yung kaba at iwas na ginagawa mo kapag siya naman yung nakahuli dahil sa pagtitig mo. ‘Yung lungkot na nararamdaman mo kapag absent siya. Okaya umalis siya para mag-dota, okaya para magbasketball, okaya magvolleyball,  okaya mag-2k11. ‘Yung basta. Kakaiba.  ‘Yung tipong dati, tamad kang pumasok kasi hindi ka nag-aaral. Ngayon, papasok ka pa din kahit alam mong hindi ka nag-aral. ‘Yung, yung, uy, nakangiti siya. Kinikilig ka no? Parehas tayo. Isa lang ibig sabihin niyan, natatae ka lang. Hindi, biro lang. ‘Yan na ‘yon! ‘Yung pag-ibig na sinasabi ng nanay mo! Umamin ka na! Duh? Gusto ka din ‘non. Hinihintay ka lang niya!

                Pero pag-ibig, nasan ka pag-ibig? Tingin-tingin lang sa gilid-gilid. Malay mo yung palang seatmate mo. Okaya yung kababata mo nung Kinder ka, ‘yung long-time crush mo, ‘yung ex mo, okaya naman ‘yung knights sa simbahan niyo. Baka naman ‘yan na ‘yung kaklase mo nung Grade Six, okaya naman ‘yung pinagnanasaan mong  First Year sa I-Atanassoff, okaya yung kulot na Fourth Year sa Babbage. Or yung guitarista sa North Carolina. O di naman kaya ‘yung poging nag-aaral sa UP, pwede din ‘yon! Baka ‘yung crush mo sa mga SG Officers, ‘yung tambay doon sa kanto niyo. ‘Yung nagwi-wheeler okaya yung nagta-tricycle. Okaya yung ka-MU mo dating Sports Writer na may tatay na pulis, tapos yung nanay eh nagta-trabaho sa may St. Jude. ‘Yung kayang past mo na lumipat ng school ngayong Fourth Year kayo. Okaya yung bestfriend mo! Wag kang maghanap, kusang dumadating ‘yan. Maghintay ka lang. On the way na siya, nagtooth brush lang.  

                Pero bago ako ko tapusin ‘yung article na ‘to, may gusto lang akong sabihin. Anong  hayop ang mahal ni Annelyse Andal? Edi i-COW!

Ang pag-ibig. 1, 2, 3. BOW. *JEJEPOSE!*  V(-_-)V

(Source: insert-proper-url-here)

Reblog

1 year ago

Ang pag-big, parang period. Minsan ang tagal tagal mong hinihintay, kung kailan handa ka na, kung kailan mo inaasahan, di naman dadating. -______-

(Source: insert-proper-url-here)

34 Reblog

1 year ago

Ang pagibig parang SENTENCE. Kelangan ng PERIOD, para malaman kung TAPOS NA. Comma kung may katuloy pa. Question mark kung hindi ka desididong iiwan mo siya. Exclamation point kung ayaw mo na talaga. At SPACE para magkaintindihan kayong dalawa. =)

(Source: lyseandalalala)

A snazzyspace.com Theme A snazzyspace.com Theme